^

Metro

Dalaga lasog sa jeep

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Isang 18-anyos na dalaga ang patay makaraang mabundol ng rumaragasang pampasaherong jeepney sa tinaguriang “killer highway” sa lungsod Quezon kahapon.

Kinilala ang biktima na si Vernaliza Nagas, residente ng Laura St., Brgy. old Balara ng nasabing lungsod.

Arestado naman ang driver na si Jose Tamor, 48, ng Sitio Gugon malapit sa Bayantel, Regalado Avenue Brgy., Fairview.

Ayon sa ulat, nangyari ang insidente sa may Commonwealth Avenue, Brgy Old Balara ganap na alas-3:30 ng madaling-araw. Sinasabing binabaybay ni Tamor sakay ng pampasa­herong jeepney (TWZ-635) ang direksyon ng North Fairview patungo sa Elliptical road nang pagsapit sa nasabing lugar ay tumawid umano ang biktima sanhi para mabundol niya ito.

Dahil dito, nagtamo ng matinding pinsala sa katawan ang biktima at agad na nasawi.

Ayon kay Florendo, katwiran umano ni Tamor na urong-sulong ang biktima sa pagtawid kaya nalito na rin siya at nahagip ito.

Matapos ang insidente ay humarurot palayo ang jeepney, pero hinabol ito ng mga istambay sa lugar hanggang sa maaresto.

Katwiran ni Tamor, tinangka sana niyang tulungan ang biktima, pero natakot siya na baka kuyugin siya ng mga tambay kung kaya nagawa niyang patakbuhin ito.

Samantala, nang hingan ng lisensya si Tamor ay ibang lisensya ang ibinigay nito kaya naman bukod sa kasong reckless imprudence resulting in homicide ay naharap din ito sa kasong driving without license, concealing thru name, at abandonment.   

vuukle comment

AYON

BRGY OLD BALARA

COMMONWEALTH AVENUE

JOSE TAMOR

LAURA ST.

NORTH FAIRVIEW

REGALADO AVENUE BRGY

SITIO GUGON

TAMOR

VERNALIZA NAGAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with