^

Metro

Artist sketch ng 2 carjackers, inilabas ng QCPD

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Naglabas na ng artist sketch ang pamunuan ng Quezon City Police District (QCPD) laban sa dalawa sa mga suspect na bumaril at nakapatay kay Maria Teresita Teano sa naganap na carjacking incident nitong Miyerkules sa lungsod.

Ayon kay Chief Insp. Rodel Marcelo, hepe ng Criminal Investigation and Detection Unit ng QCPD, nakuha ang mga mukha ng mga suspect base sa mga testigong nakakita sa pangyayari nang aktong barilin ng mga ito si Teano sa naganap na carjacking noong Miyerkules ng umaga sa may T. Gener St., corner Kamuning Road, Brgy. Kamuning.

Isa sa mga suspect ay isinalarawan na may taas na 4’ -5; payat; fair complexion; mahaba ang buhok; at nasa pagitan ng edad 28-30 anyos; habang ang isa naman ay may taas na 5”-5’5’; kayumangi; balingkinitan ang katawan; at nasa pagitan ng edad 31-35 anyos.

Sinabi ni Marcelo, nakapokus ngayon ang atensyon ng grupo sa maaring makapagbigay ng impormasyon sa kinaroroonan ng mga suspect at posibleng sa pamamagitan ng mga larawan ay mapadali ang pagtugis nila sa mga ito.

vuukle comment

AYON

CHIEF INSP

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

GENER ST.

KAMUNING ROAD

MARIA TERESITA TEANO

MIYERKULES

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

RODEL MARCELO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with