^

Metro

Sekyu sugatan sa holdap

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Isang security guard ang nasugatan makaraang barilin ito ng isang lalake na humoldap sa kanyang amo at tumangay sa tinatayang aabot sa P.5 mil­yong cash sa lungsod Quezon kahapon. Nakilala ang biktima na si Reynaldo Bato na agad na itinakbo sa East Avenue Medical Center.

Sinasabing target ng pang­hoholdap ng suspect ang biktimang si Marvin Nacionales, production manager sa Millys Distribution na matatagpuan sa Mindanao Avenue.

Nangyari ang insidente ganap na alas-12:10 ng tanghali kahapon matapos na bumalik ang biktimang si Nacionales sa kompanya sakay ng kanyang kotse mula sa pagwi-withdraw ng pera. Sinasabing pagpasok ni Nacionales sa gate ng compound ay biglang pumasok ang suspect, pero tinangkang harangin siya ng sekyu. Dahil dito, napilitan ang suspect na barilin si Bato sa pige, at maagaw ang laptop bag ni Nacionales na naglalaman ng P540,000 cash saka tumakas.

Isa sa ang­gulong tinitingnan ang inside job dahil posibleng may nagtimbre sa suspect hingil sa pagwi-withdraw nito ng ma­laking halaga.

vuukle comment

BATO

DAHIL

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

ISA

MARVIN NACIONALES

MILLYS DISTRIBUTION

MINDANAO AVENUE

NACIONALES

REYNALDO BATO

SINASABING

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with