^

Metro

Riding-in-tandem member na snatcher, timbog

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Natimbog ng tropa ng Quezon City Police District (QCPD) ang isa sa miyembro ng riding in tandem suspect na nang-i-snatch ng mga bag ng mga commuters na umuuwi sa dis-oras ng gabi habang naglalakad sa lungsod.

Kinilala ni QCPD director, Chief Supt.George T. Regis ang suspect na si John Allen Berdol, 19, ng # 200 Bartolome Compound, Sta. Quiteria, Caloocan City. 

Si Berdol umano ay isang security guard na sumasaydline bilang snatcher ng bag gamit ang motorsiklo kasama ang isa pang suspect.

Huling naging biktima ng mga suspect ay si Ariel Domingo­, 23, extension branch manager ng isang trading firm, at residente sa #50 St. Anthony St., Brgy Gulod, Novaliches, Quezon City. 

Nadakip ang suspect ng tropa ng Police Station 4 sa kahabaan ng Quirino Highway matapos na maispatan ng mga awroridad ang nagaganap na komosyon sa nasabing lugar.

Bago nito, naglalakad ang biktima sa nasabing lugar, malapit sa Uniwide Department Store, nang biglang sumulpot ang suspect kasama ang backride nito at biglang dinakma ang dalang bag ng una.

Nang makuha ang pakay sa biktima ay saka mabilis na umalis ang mga suspect, pero hindi pa nakakalayo ang mga huli ay nagsisigaw ng saklolo ang una na nagbigay aten­syon sa mga nagpapatrulyang awtoridad­.

Agad na hinabol ng mga awtoridad ang mga suspect at naaresto si Berdol habang nakatakas naman ang backride nito.

ARIEL DOMINGO

BARTOLOME COMPOUND

BRGY GULOD

CALOOCAN CITY

CHIEF SUPT

GEORGE T

JOHN ALLEN BERDOL

POLICE STATION

SUSPECT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with