^

Metro

Chinese trader pinatay, pinagnakawan

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Isang Chinese trader ang nasawi nang pagtulungan itong hatawin ng martilyo sa ulo ng siyam nitong trabahador bago ito pinagnakawan kamakalawa sa Valenzuela City. 

Basag ang bungo na naging dahilan ng agad na kamatayan ng biktimang si Wang Weh Xing “alyas Jeffly Ong”, 31, binata, may-ari ng Cosang Plastic Manufactu­ring,  na matatagpuan sa #9 Sigma St., Don Pablo Subdivision, ng nasabing lungsod.

Nadakip naman si Isagani Ibis , 20, binata tubong Sogod Southern Leyte, factory worker at residente ng #287 Stotccuburry St., 10th Avenue habang pinaghahanap pa ang ibang suspect na sina   Ryan Fernandez, tubong Zamboanga del Norte; Edgardo Sabandal Jr., ng Abuyog, Leyte; Wilson Pandita, Valencia Bukidnon; Joel Epis, ng Sagad, Leyte; Jerry Sabandal Jr., Sagad Leyte; Michael Pedad, Davao City, at Reagan Arboneda, pawang mga stay-in factory worker ng nabanggit na pabrika.

Sa inisyal na report ng Valenzuela City Police, dakong alas-5:00 ng hapon nang matagpuan ang bangkay ng biktima ng ilang trabahador nito, kung saan duguan ito at nasa tabi ang isang martilyo, na hinihinalang ginamit sa pagpatay.

Agad na ipinagbigay-alam sa mga pulis ang insi­dente at nalaman na nawawala ang suspect matapos isagawa ang krimen.

Sa follow-up operation ng mga pulis ay nadakip si Ibis at sa interogasyong isinagawa, plano na palang pagnakawan ang biktima, kung kaya’t pinatay muna ito sa pamamagitan ng pag­hataw ng martilyo sa ulo bago pinagnakawan.

Sa ngayon ay patuloy na nagsasagawa ng manhunt operation ang mga pulis laban sa walo pang suspect.

vuukle comment

COSANG PLASTIC MANUFACTU

DAVAO CITY

DON PABLO SUBDIVISION

EDGARDO SABANDAL JR.

ISAGANI IBIS

ISANG CHINESE

JEFFLY ONG

JERRY SABANDAL JR.

JOEL EPIS

LEYTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with