^

Metro

Mag-asawang Indian national, tiklo sa human smuggling

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Natimbog ng mga opera­tiba ng Bureau of Im­migration ang mag-asawang Indian na­tionals na hinihinalang miyembro ng isang sindikato sa iligal na pag­pasok sa bansa ng kanilang mga kababayan.

Kinilala ni Immigration Commissioner Ricardo David Jr. ang mga nadakip na sina Lakhvir Singh at Shinder Pal Kaur na natunton sa kanilang bahay sa lungsod ng Antipolo kamakailan ng BI intelligence division.

Nag-isyu ng mission order si David matapos makakuha ng impormasyon na nakapasok ng Pilipinas ang isa sa mga suspect gamit ang pekeng entry visa.

Samantala, tinukoy naman ni BI Intelligence Chief Maria Antonette Mangrobang na si Lakhvir Singh ay pinaghihinalaang kasabwat ng isang Indian human smuggler na wanted sa kasong pagpatay sa Pilipinas na nakapuslit palabas ng bansa upang takasan ang krimen.   

vuukle comment

BUREAU OF IM

IMMIGRATION COMMISSIONER RICARDO DAVID JR.

INTELLIGENCE CHIEF MARIA ANTONETTE MANGROBANG

KINILALA

LAKHVIR SINGH

NATIMBOG

PILIPINAS

SAMANTALA

SHINDER PAL KAUR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with