Dalaga nagbigti

MANILA, Philippines - Isang 31-anyos na dalaga ang natagpuang patay habang nakabitin sa loob ng kanyang kuwarto sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi. Kinilala ang nasawi na si Annabelle P. Gutierrez, ng Gapan st., Gagalangin, Tondo.

Nakuha sa ibabaw ng telebisyon sa loob ng bahay ng biktima ang isang suicide note na nagsasabing: “Michele, Mica, Atiza at MG, patawad kung sumuko na ako, pagod na ako, mahal na mahal ko kayo, lahat ng bilin ko ay sundin ninyo.”

Nadiskubre ang bangkay dakong alas-7 ng gabi, habang nakatali ang leeg sa pinagdugtung-dugtong na t-shirts at pantalon na isinabit sa kisame. Bago ito ay napansin na ang pagiging malungkutin ng nasawi na wala namang makapagsabi kung ano ang problema nito.   

Show comments