^

Metro

Centralized bus terminals, bubuhayin ng MMDA

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Muling binuhay ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang plano nito na magtayo ng “cen­tralized bus terminals” na ga­gamitin ng mga provincial at city buses upang makatulong sa pagpapaluwag sa daloy ng trapiko sa Metro Manila.

Matatandaan na dati na ring ipinanukala at itinatag ng MMDA noong nasa ilalim pa ni Bayani Fernando ang “Central Terminal” na nasa EDSA-Quezon City ngunit napabayaan din ng pamahalaan.

Sinabi ng bagong Chairman Francis Tolentino na nasa proseso na ng pagplantsa sa mga plano para sa dalawang central terminal, isa sa norte at isa sa timog ng Metro Manila. Nakikipag-ugnayan umano sila ngayon sa Department of Public Works and Highways, Department of Transportation and Communications, at mga provincial at city bus operators.

Sa inisyal na plano, maa­aring maitayo ang north central terminal sa bisinidad ng Balintawak, Quezon City na siyang magiging “gateway” sa mga lalawigan sa Norte at ang south central terminal ay maaaring malapit sa Mall of Asia sa Pasay City o sa lugar ng Baclaran sa Parañaque City na “gateway” naman sa mga lalawigan sa Timog Katagalugan.

Base sa plano, isusunod ang plano ng mga terminal sa airport terminals na may tamang iskedyul ng oras ng dating at alis ng mga pampasaherong bus.

BAYANI FERNANDO

CENTRAL TERMINAL

CHAIRMAN FRANCIS TOLENTINO

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COMMUNICATIONS

MALL OF ASIA

METRO MANILA

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

PASAY CITY

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with