^

Metro

Driver binaril, dedo; paslit, sugatan

- Ni Mer Layson -

MANILA, Philippines - Isang tricycle driver ang namatay matapos na pagbabarilin ng mga hindi pa nakilalang suspect, na nag­resulta rin sa pagkasugat ng 10-taong gulang na batang babae, na tinamaan ng ligaw na bala habang bumibili ng goto sa Marikina City kahapon ng umaga.

Dead-on-the-spot si Rolly Renales, 40, ng 76  Bagong Silang, Bgy. Parang, Marikina City bunsod nang tinamong mga tama ng bala sa kaniyang ulo at kata­wan.

Nasugatan naman ang paslit na si Daniela Pitalvo, estudyante ng Del Rosario St.,  Bgy. Tumana, matapos na tamaan ng ligaw na bala sa kaniyang kaliwang hita na ngayon ay nilalapatan ng lunas sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center.

Inaalam na ng pulisya ang pagkakakilanlan ng da­lawang di kilalang suspect na parehong nakasuot ng helmet at tumakas sakay ng isang itim na motorsiklo.

Batay sa ulat ni P/Senior Supt. Gabriel Lopez, hepe ng Marikina Police, nabatid na dakong alas 8:50 ng uma­ga sa kanto ng Del  Rosario St., at D. Mariano St.,  Bgy. Tumana.

Sakay umano ang biktima ng kanyang tricycle at namamasada nang sabayan siya ng dalawang suspect na sakay ng motorsiklo at pinaulanan ng bala.

Minalas namang mada­may sa insidente si Pitalvo, nang tamaan ng ligaw na bala sa hita, habang bumibili ng goto sa lugar.

Iniimbestigahan na umano ng mga pulis kung may kinalaman sa illegal na droga ang krimen matapos na mabatid na kalalaya lamang ng biktima sa piitan noong Disyembre matapos na ma­­­bilanggo dahil sa drug charges.

AMANG RODRIGUEZ MEMORIAL MEDICAL CENTER

BAGONG SILANG

BGY

DANIELA PITALVO

DEL ROSARIO ST.

GABRIEL LOPEZ

MARIANO ST.

MARIKINA CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with