^

Metro

Chinese todas sa riding-in-tandem

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Patay ang isang Chinese national nang pagbabarilin ng “riding in tandem” habang papauwi ng kanyang bahay sa Pasay City, kamakalawa ng hapon.

Bagama’t naisugod pa sa San Juan De Dios Hospital ng kanyang asawa ang biktimang si Xu Fei Jing, alyas Kevin Xu, 27, ng Unit 20 Seafront Garden, Roxas Boulevard, nasawi rin habang nilalapatan ng lunas sanhi ng tinamong tatlong tama ng bala ng baril.

Sa imbestigasyon ng Sta­tion Investigation and Detective Management Sec­tion (SIDMS) ng Pasay police, kagagaling lamang ng biktima sa kanyang Chang Sui Grocery Store sa Kapitan Ambo St. dakong alas-5:40 ng hapon at naglalakad na pauwi sa Ortigas St. nang harangin ng isang lalaki na nakasuot ng helmet at sunud-sunod na pinagbabaril ng malapitan.

Matapos nito ay nag­lakad lamang ang suspect at umangkas sa isang nag­ hihintay na motorsiklo patungo sa direksyon ng Roxas­ Bou­levard.

Dahil sa malapit lamang ang pinangyarihan ng krimen sa grocery nalaman ng asawa ng biktima ang pangyayari kaya’t ito na ang nagsugod sa biktima sa naturang pa­gamutan.

Away naman sa negosyo ang tinututukang anggulo ng pulisya.

CHANG SUI GROCERY STORE

INVESTIGATION AND DETECTIVE MANAGEMENT SEC

KAPITAN AMBO ST.

KEVIN XU

ORTIGAS ST.

PASAY CITY

ROXAS BOULEVARD

SAN JUAN DE DIOS HOSPITAL

SEAFRONT GARDEN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with