^

Metro

Matagal umihi, tinarakan

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Dahil sa matagal na pag-ihi sa public toilet, isang tsuper ng tricycle ang sinaksak ng dalawang kalalakihan na nainis sa kanya sa Caloocan City ka­hapon ng umaga.

Nasa kritikal na kondisyon at ginagamot sa Jose Reyes Me­­morial Medical Center (JRMMC) ang biktimang si Rannie Uy, 27, ng Baltazar Bukid, 10th Avenue, Brgy. 69 ng nasabing lungsod. Nagtamo ito ng saksak ng icepick sa katawan.

Kasalukuyan namang nagsasagawa ng manhunt operation ang mga awtoridad laban sa suspek na nakilala sa alyas na Batotoy Macapuntag at isang hindi nakilalang lalaki.

Sa nakalap na impormas­yon sa Station Investigation Division (SID) ng Caloocan City Police, naganap ang insidente dakong alas-4:00 ng umaga sa kahabaan ng Baltazar Bukid, 10th Avenue.

Kasalukuyang umiihi ang biktima sa isang public toilet sa naturang lugar nang matagalan ito sa loob dahilan upang mainis ang mga suspek.

Paglabas ng biktima ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng mga ito hanggang sa bunutin ng mga suspek ang dalang icepick at halinhinang pinagsasaksak si Uy. Matapos ito, mabilis na nagsitakas ang mga suspek, habang isinugod naman sa nabanggit na pagamutan ang biktima ng ilang taong naroroon.   

vuukle comment

BALTAZAR BUKID

BATOTOY MACAPUNTAG

BRGY

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

DAHIL

JOSE REYES ME

MEDICAL CENTER

RANNIE UY

STATION INVESTIGATION DIVISION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with