^

Metro

Pampasaherong bus hinoldap ng anim na armado

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Sumalakay ang isang pina­niniwalaang grupo ng high­way robbery-hold-up syndicate na kinabibilangan ng anim na armadong kalalakihan matapos nilang holdapin ang isang bus sa Makati City kahapon ng umaga.

Nagsasagawa pa ng follow-up operation ang mga kagawad ng Makati City Police laban sa anim na hindi pa naki­kilalang suspek, na pawang armado ng matataas na kalibre ng baril.

Sa sketchy report na na­tang­gap ni Chief Inspector Jenny Tecson, PIO chief ng Southern Police District (SPD), naganap ang insidente dakong alas-3 ng umaga sa kahabaan ng EDSA Avenue, Estrella sa nabanggit na siyudad habang binabagtas ng Don Mariano Transit (UVF-600) ang naturang lugar nang biglang harangin ng isang van na kulay dark blue na rito sakay ang mga suspek.

Tinutukan ng mga suspek ang driver, konduktor at mga pasahero sabay na nagdeklara ng holdap.

Nilimas ng mga suspek ang mga pera, cellphone, mga alahas at mahahalagang gamit ng mga biktima at inaalam pa kung magkanong kabuuang halaga ang nakulimbat ng mga suspek.

Matapos ito ay mabilis na nagsi­takas ang mga suspek na sakay ng naturang van na hindi nakuha ang plaka nito.   

CHIEF INSPECTOR JENNY TECSON

DON MARIANO TRANSIT

ESTRELLA

MAKATI CITY

MAKATI CITY POLICE

MATAPOS

NAGSASAGAWA

NILIMAS

SOUTHERN POLICE DISTRICT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with