^

Metro

3 miyembro ng Korean mafia tiklo

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Tatlong Korean nationals na pinaniniwalaang miyembro ng Korean mafia na nag-oope­rate sa bansa ang inaresto ng pinagsanib na puwersa ng PNP- CIDG at CALABARZON Police kaugnay ng pagdukot sa 49-anyos na negosyanteng Koreano sa magkakahiwalay na operasyon sa Tiaong, Quezon at Pasig City kamakalawa at nitong Biyernes.

Kinilala ang mga nasakoteng suspect na sina Kang Sang Chan, 52, ng South Triangle, Kamuning, Quezon City; Chun De Wong, 26, ng   Makati City; at Lee Woo Ram.

Isinailalim naman sa imbestigasyon ang Pinay na misis ni Chan na si Germinida Santos na dinakip rin ng mga awtoridad.

Sina Wong, Chan gayun­din ang misis ng huli ay nasakote dakong alas-6:30 ng umaga kamakalawa sa raid sa Neogen Farm sa Brgy. Cabatang, Tiaong, Quezon kung saan itinago ng mga suspect sa loob ng pitong araw ang kidnap victim na si Kim Kyung Soo, 49, na may negos­yong farm at hog-raising sa Medicion Villas, Unit 1, Brgy. Medicion 2-C, Imus, Cavite.

Sa follow-up operation ay nadakip naman si Ram sa Metro Walk sa Pasig City nitong Biyernes bandang alas-9 ng umaga.

Ang biktima ay pinalaya ng mga kidnapper dakong alas-11 ng gabi noong Miyerkules sa isang bus terminal sa Baclaran, Parañaque City matapos nitong mailipat ang 50,000 won (P2-M) mula sa kaniyang bank account sa Korea sa bank account naman ni Chan sa Pilipinas at dito na humingi ng tulong sa mga awtoridad ang biktima. Ang nasabing halaga ay winithdraw ng mafia noong Mayo 9, 2011 sa Korean Hana Bank sa Malate, Manila.

Ayon naman kay NCR-CIDU Chief P/Sr. Supt. Joel Napoleon Coronel, ang mga suspect ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Pre­siding Judge Cesar Mangrobang ng Regional Trial Court Branch 22, Imus, Cavite kaugnay ng pagdukot kay Soo

Si Soo ay dumating sa bansa noong Setyembre 16, 2010 para magnegosyo nang dukutin ng mga miyembro ng mga suspect noong Mayo 4, 2011 sa harapan ng Riverside coffee shop sa Covelandia Road, Brgy. Balsahan, Kawit, Cavite.

Ayon pa sa opisyal patuloy naman ang pagtugis ng NCR-CIDU sa tatlo pang miyembro ng Korean mafia na sangkot sa kidnapping for ransom.

vuukle comment

AYON

BIYERNES

BRGY

CAVITE

CHIEF P

CHUN DE WONG

COVELANDIA ROAD

GERMINIDA SANTOS

PASIG CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with