^

Metro

Jeep sinuwag ng truck: Bebot patay, 13 sugatan

- Ni Danilo­ Garcia -

MANILA, Philippines -   Patay ang isang 22-anyos na babae habang 13 pang pasahero ng isang jeep ang sugatan makaraang salpukin ang kanilang sinasakyan ng isang cement mixer truck, kamakalawa ng hapon sa Taguig City.

Agad na nasawi dahil sa matinding pinsala sa ulo at katawan ang biktimang si Erica Lastimoso, estudyante, ng Pinagsama St., Taguig City ma­karaang maipit at maka­ladkad ng jeep.

Pawang isinugod naman sa Taguig-Pateros District Hospital ang 13 pang pasahero kabilang ang driver ng jeep na si Andres Sarmiento na nagtamo ng mga sugat at galos sa katawan.

Nasa kustodiya naman ngayon ng Taguig City Police ang driver ng cement mixer truck (RHG-856) na nakilalang si Ignacio Ballecas na nahaharap ngayon sa kasong reckless imprudence resulting to homicide at multiple physical injuries.

Sa inisyal na ulat ng Taguig Traffic Enforcement Unit, naganap ang insidente dakong alas-5:25 ng hapon sa kahabaan ng East Service Road sa kanto ng C-5 Road. Ayon kay Ballecas, nawalan umano ng preno ang minamanehong trak hanggang sa mabangga ang sinusundang jeep na puno ng pasahero.

Nabatid na nag-aabang naman ng masasakyan si Lastimoso nang maipit ng nabanggang jeep at makaladkad pa nang pumailalim ito sa behikulo sanhi ng agad na pagkasawi. Agad namang sumuko sa mga awtoridad si Ballecas habang isinugod ang mga nasaktang pasahero sa pagamutan.

vuukle comment

ANDRES SARMIENTO

BALLECAS

EAST SERVICE ROAD

ERICA LASTIMOSO

IGNACIO BALLECAS

PINAGSAMA ST.

TAGUIG CITY

TAGUIG CITY POLICE

TAGUIG TRAFFIC ENFORCEMENT UNIT

TAGUIG-PATEROS DISTRICT HOSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with