^

Metro

Carjackers sumalakay: SUV ng trader tangay

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines -  Muli na namang sumalakay ang grupo ng mga carjackers matapos na tangayin ang isang sports utility vehicle (SUV) ng isang negosyante habang ipinaparada ito ng kanyang driver sa harap ng kanilang bahay sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.

Ayon sa ulat, ang natangay na sasakyan ay isang kulay dark gray na Toyota Fortuner na may conduction sticker TG442 na pag-aari ni John Paul Lim, 30.

Ayon sa ulat, ganap na alas-8 ng gabi nang tangayin ang nasabing SUV sa driver na si Rex Abes, sa harap ng bahay ni Lim sa Brgy. Sienna sa lungsod.

Ayon kay Abes, ang mga suspect ay sakay ng dalawang motorsiklo­, pero bigo siyang makuha ang plaka ng mga ito.

Nangyari ang insidente habang ipinaparada niya ang SUV sa harap ng bahay ng amo. Mula rito ay biglang sumulpot ang mga suspect at tinutukan siya ng baril saka puwersahang pinababa sa kotse. Isa sa mga suspect ang sumakay sa SUV at pinatakbo ito papalayo, ka­sunod ang iba pang kasamahan.

vuukle comment

AYON

BRGY

ISA

JOHN PAUL LIM

MULA

MULI

NANGYARI

QUEZON

REX ABES

TOYOTA FORTUNER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with