Karnaper bumanat sa Pasig

MANILA, Philippines - Nanlulumong dumulog sa himpilan ng pulisya ang isang empleyado ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ma­karaang karnapin ang kanyang sasakyan habang nakaparada ito sa harap ng ka­nilang tahanan sa Pasig City kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ang biktima na si Raymond del Rosario, 46, residente ng Brgy. San Miguel, Pasig.

Sa reklamo ni del Rosario sa pulisya, sinabi nito na ang kanyang kulay pulang Mitsubishi Estrada na may plakang NDQ-873 ay kanyang ipinarada kamakalawa ng gabi sa harap ng kanilang tahanan.

Pagkagising nito kina­umagahan ay doon niya natuklasang nawawala na ang kanyang sasakyan.

Nagsasagawa ngayon ng masusing imbestigasyon ang Pasig City Police para matukoy at madakip ang mga suspek.

Show comments