^

Metro

Taxi driver hinoldap na, kinatay pa

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Patay ang isang taxi driver makaraang pagsasaksakin at iwanan sa loob ng kanyang minamanehong taxi ng mga holdaper matapos puma­lag ang una sa mga huli sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.

Ayon sa pulisya, bukod sa mga saksak sa katawan, may sugat din umano sa ga­wing braso ang biktimang si Emmanuel­ Siapno, 49, na indikasyon na lumaban pa ito sa kanyang mga holdaper, bago napatay.

Si Siapno, residente ng Blk 47 Lot 13 12 St. City Homes Subdivision, Langkaan, Dasmariñas, Cavite ay natukoy ng mga operatiba sa pamamagitan ng kanyang driver’s lisence.

Sa pagsisiyasat, ang bik­tima ay natagpuan ng mga nagpapatrulyang mga barangay kagawad sa Brgy. San Roque sa Cubao habang wala nang buhay na naka­lugmok sa driver’s seat ng minamaneho niyang taxi (TYM-341) at nakaparada sa may 16th Avenue Brgy. San Roque dakong alas-1:30 ng ma­daling-araw.

Ayon kay Henaro Abot, taxi driver, bago ang in­sidente, pasado alas-10 ng gabi nang mamataan niya na nakaparada ang taxi sa nasabing lugar kung saan inakala niyang natutulog lang ito dahil gumagana pa umano ang mga ilaw ng taxi sa labas.

Pero makalipas ang ilang oras, matapos na dumating ang mga barangay tanod at katukin ang biktima ay saka lamang nalaman ang kondisyon nito.

Narekober din ng mga awtoridad ang duguang patalim sa loob ng taxi na po­sibleng ginamit ng mga salarin sa insidente.

vuukle comment

AVENUE BRGY

AYON

BRGY

HENARO ABOT

SAN ROQUE

SHY

SI SIAPNO

ST. CITY HOMES SUBDIVISION

TAXI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with