^

Metro

Holdaper ipinahamak ng motorsiklo, arestado

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Ipinahamak ng kanyang motorsiklo na gamit sa panghoholdap ang isang holdaper makaraang mahuli ng mga barangay tanod habang nagtutulak ng nasirang sasakyan matapos na makapambiktima kamakalawa ng gabi sa Marikina City.

Nakilala ang nadakip na si Erwin Pedro, 25, ng Apitong St., Brgy. Marikina Heights, ng naturang lungsod habang nakatakas naman ang dalawa nitong kasamahan.

Sa ulat ng Marikina police, unang biniktima ng tatlong hol­daper sina Floressyl Ceres, 26, caregiver at Maria Krisna Tulabot, 24, call center agent, makaraang hablutin ang kanilang bag na naglalaman ng pera, alahas, cellphone at iba pang gamit sa may Brgy. Parang ng naturang lungsod kamakalawa ng gabi.

Naaresto naman ng mga barangay tanod ang suspek na si Pedro habang nagtutulak ito ng kanyang motorsiklo na tumirik habang isinasagawa ang pagtakas.

Positibong kinilala naman ng mga biktima si Pedro na isa sa tatlong holdaper na nambiktima sa kanila.   

vuukle comment

APITONG ST.

BRGY

ERWIN PEDRO

FLORESSYL CERES

IPINAHAMAK

MARIA KRISNA TULABOT

MARIKINA CITY

MARIKINA HEIGHTS

NAARESTO

NAKILALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with