^

Metro

Bebot binoga sa Quiapo, patay

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Dead-on-the-spot ang isang hindi pa kilalang babae na bi­naril sa ulo sa Quiapo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Inilarawan ang biktima sa edad na 25 hanggang 30, may taas na 5 talampakan, nakasuot ng kulay asul na t-shirt, berde ang malong at tsinelas na puti. Hindi umano kilala ang babae sa lugar. Walang nakuhang impormasyon ang imbestigador hinggil sa sinasabing gunman na armado ng kalibre .45.

Pinaniniwalaang may kaugnayan sa iligal na droga sa lugar ang pamamaslang. Mabilis namang tumakas ang hindi pa rin nakikilalang salarin.

Sa ulat, dakong alas-7:00 ng gabi nang maganap ang nasabing insidente sa loob ng gusali sa Echague building sa panulukan ng Muelle de Quinta at Carlos Palanca Sr. Sts., sa Quiapo.

Nabatid na isang Amir Casan ng Brgy. 34, Zone 39 ang nag­report sa pulisya hinggil sa nasabing insidente.

Matatandaang ilang insidente ng pamamaril sa Islamic Area na halos sa ulo ang tama ng mga biktima ang hindi nare­resolba dahil sa walang nais magbigay ng impormasyon sa pulisya habang ang mga kaanak naman ay tumatanggi na magpaimbestiga at isailalim sa awtopsiya ang kanilang nasawing kaanak bunsod ng kanilang tradisyon.   

vuukle comment

AMIR CASAN

BRGY

CARLOS PALANCA SR. STS

ECHAGUE

INILARAWAN

ISLAMIC AREA

MABILIS

MATATANDAANG

MAYNILA

MUELLE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with