Fetus itinapon sa barangay hall

MANILA, Philippines - Isang tinatayang pito hanggang walong buwan na lalaking fetus ang itinapon sa basura sa tabi ng isang barangay hall, sa Sta. Mesa, Maynila, kahapon ng umaga.

Sa ulat ni PO2 Ramoncito Tolentino ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas 8:15 ng umaga nang makita ng isang basurero ang isang dilaw na plastic ng biscuit sa tapat ng #3554  2nd St. Bacood, Sta.Mesa, Maynila. Inakala nito na may pakikinabangan sa basura kung kaya’t binuksan niya ito at tumambad ang lalaking fetus.

Inireport niya ang natagpuang fetus kay Chairman Edna Lamug ng Brgy.613 Zone 61  Dist.VI , na nagbigay-alam sa pulisya.

Show comments