^

Metro

EDP ng Manila City Hall binalasa

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Inatasan ni Manila Mayor Alfredo Lim si chief of staff and media bureau chief Ric de Guzman na siyasatin at bantayan ang operational organization ng Electronic Data Processing (EDP) kasabay ng pagbalasa dito upang mas maging epektibo at maayos ang sistema.

Ayon kay Lim, kailangan na mabigyan ng seguridad ang mga dokumento at records gayundin ang kapakanan ng lungsod kung kaya’t dapat lamang na i-upgrade ang computerization program nito.

Nabatid na nawalan ng internet noong Biyernes na ikinagalit ni EDP head Louise Behan kung saan tumanggi din itong ibigay ang password kay De Guzman na kasama ang dalawang computer experts na sina Gary Tan at Yousseff Ahmad.                            

Sinabi pa ni De Guzman na nakakaduda ang pahayag ni Behan na magbibitiw muna ito bago niya ibigay ang password.

“Kung wala ka namang ginagawang masama o itinatago, bakit kailangan mong sabihin na magre-resign ka muna bago mo ibigay ang password?” ani De Guzman.

Lumilitaw din na hindi nakapagsumite ng report si Behan kay Lim ng revenue ng lungsod na dati nang ginagawa ng mga naging hepe ng EDP partikular si Tan. Inirereklamo rin ng mga reporters ang madalas na pagkawala ng internet services sa oras ng deadline ng istorya.

AYON

BEHAN

BIYERNES

DE GUZMAN

ELECTRONIC DATA PROCESSING

GARY TAN

LOUISE BEHAN

MANILA MAYOR ALFREDO LIM

YOUSSEFF AHMAD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with