Mister nagbigti

MANILA, Philippines - Dahil sa hindi na makayanang hirap sa buhay, isang mister ang nagbigti sa loob ng kanilang bahay sa Navotas City kamakalawa.

Dead on arrival sa Tondo Medical Center si John Paul Pradez, 26, ng Piscadores St., Brgy. North Bay Boulevard North ng nabanggit na lungsod.

Dakong alas-5:25 nang makitang nakabigti ng nylon cord si Pradez sa loob ng kuwarto nito. Bago ang insidente ay madalas na dumadaing ang biktima dahil sa matinding kahirapang dinadanas nito sa buhay na posibleng sanhi upang wakasan nito ang kanyang buhay.   

Show comments