Binata utas sa kaaway

MANILA, Philippines - Tuluyan nang hindi nagising ang isang binata makaraang pagbabarilin at mapatay  ng kanyang nakaaway habang natutulog ang una sa loob ng kanilang bahay sa Malabon City kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang nasawi na si Joselito Maliwat, 25, ng Sitio 6, Brgy.  Catmon ng nabanggit na  lungsod sanhi ng tinamong   tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.        

Pinaghahanap naman ang suspek na si Marco Amellana ng Brgy. Tinajeros ng naturang lungsod at isang  hindi pa nakikilalang kasama nito.

Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ukol dito.    

 

Show comments