^

Metro

Trike driver utas sa ambush

- Ni Mer Layson -

MANILA, Philippines - Patay ang isang traysikel driver makaraang dalawang beses na barilin ng riding-in-tandem sa Marikina City kahapon ng umaga.

Ang biktima na hindi na umabot pang buhay sa St. Matthew Hospital ay nakilalang si Freddie Alamis, 53, ng Sunkist St., Road 3, Doña Petra Subdivision, Brgy. Tumana, Marikina.

Sa imbestigasyon, naganap ang pananambang dakong alas-9:30 ng umaga sa kanto ng Everlasting, Twinville Subdivision habang ang biktima ay namamasada ng kaniyang traysikel.

Sa testimonya sa pulisya ng pasahero ng biktima na si Ferdiaida Rasul Daran, 26, hinarang umano sila ng dalawang suspek na magkaangkas sa motorsiklo at agad na binaril sa ulo ang biktima.

Matapos ang pamamaril ay agad na tumakas ang mga salarin habang ang biktima ay isinugod sa pagamutan pero nalagutan din ito ng hininga. Nagsasagawa ngayon ng masusing imbestigasyon ang pulisya para matukoy at madakip ang mga salarin at mabatid ang motibo ng pananambang.

vuukle comment

BRGY

FERDIAIDA RASUL DARAN

FREDDIE ALAMIS

MARIKINA CITY

MATAPOS

NAGSASAGAWA

PETRA SUBDIVISION

ST. MATTHEW HOSPITAL

SUNKIST ST.

TWINVILLE SUBDIVISION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with