^

Metro

Adik na nang-hostage ng paslit, kritikal sa boga

- Ni Danilo­ Garcia -

MANILA, Philippines - Nasa kritikal na kondisyon ngayon ang isang lalaki na umano’y sugapa sa iligal na droga makaraang barilin ito sa panga ng hindi pa nakikilalang salarin matapos na pagsasaksakin ang hostage na 2-anyos na paslit,kamakalawa ng gabi sa Taguig City.

Isinugod sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang suspek na nakilalang si Jay-R Villanueva, ng Sitio Fatima Kawayan, Paranaque City. 

Nailigtas naman sa kama­tayan bunga ng tinamong tatlong saksak ang batang si Ashica Mamoro, ng Jolo St. Maharlika Village, Taguig.

Sa ulat ng Taguig police, dakong alas-10 kamakalawa ng gabi nang biglang hablutin ni Villanueva ang bata na nag­lalaro sa kanto ng Bonifacio at Manalo Sts. sa Brgy. Upper Bicutan. Nabatid na armado umano ng patalim ang suspek at pinaniniwalaang nasa impluwensya ng droga.

Hindi naman nakalayo ang si Villanueva nang mapalibutan ng mga lalaking handa siyang kuyugin. Bigla na lamang umanong tinarakan ng saksak ng suspek ang paslit hanggang isang putok ang umalingaw­ngaw kung saan bumulagta si Villanueva.

Bigo naman ang pulisya na makilala ang taong bumaril kay Villanueva dahil sa pawang tikom ang bibig ng mga saksi sa insidente.

Nahaharap naman sa mga kasong alarm and scandal, frustrated homicide at possession of illegal weapon si Villanueva na hinihintay pang magising sa pagamutan.

vuukle comment

ASHICA MAMORO

JAY-R VILLANUEVA

JOLO ST. MAHARLIKA VILLAGE

JOSE REYES MEMORIAL MEDICAL CENTER

MANALO STS

PARANAQUE CITY

SITIO FATIMA KAWAYAN

TAGUIG

TAGUIG CITY

VILLANUEVA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with