^

Metro

Rollback uli sa LPG

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Muling ibababa ng Liquefied Petroleum Gas Marketers Association­ (LPGMA) ang presyo ng kanilang produktong LPG ngayong Biyernes dahil sa mas mababang presyo umano nito sa internasyunal na pamilihan.

Ayon sa LPGMA, nakatakdang magbaba sila ng P1 kada kilo o P11 kada isang 11-kilong tangke ng LPG umpisa sa hatinggabi ng Biyernes.

Inihayag naman ng independent oil player na Unioil Corporation na nagbaba rin sila ng presyo ng kanilang Auto LPG ng P1.40 kada litro dakong alas-2 kahapon ng hapon.

Sa komputasyon ng LPGMA, bumagsak sa $75 kada metriko tonelada ang halaga ng inaangkat nilang LPG mula sa dating presyo na $855.

Inaasahang magkakahalaga na lamang ng P690 ang bawat 11-kilong tangke na ibinibenta ng mga kaanib nilang distributor mula sa dating P705.

AYON

BIYERNES

INAASAHANG

INIHAYAG

KADA

LIQUEFIED PETROLEUM GAS MARKETERS ASSOCIATION

LPG

LPGMA

PRESYO

UNIOIL CORPORATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with