^

Metro

NCRPO umalerto sa mga bulok na isda

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Dahilan sa pagdagsa sa mga palengke sa Metro Manila ng mga bochang bangus, mino­bilisa na ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang mga operatiba nito upang tumulong sa pagharang at pag­kumpiska sa naturang mga bulok ng isda.

Ito’y bunsod ng massive fish kill sa Batangas na ang pitong bayan ay isinailalim sa state of calamity habang apektado na rin ang Pangasinan na pinanggagalingan ng mga bochang bangus.

Ayon kay NCRPO Spokesman Supt. Dionardo Carlos, ang hakbang ay isina­gawa makaraang makatanggap sila ng impormasyon na ibinabagsak sa Metro Manila ang mga bangus na namatay sa fish kill.

Sinasabing hindi lamang mga bangus kundi maging isdang tilapia ay nagsimula na ring maapektuhan ng massive fish kill. Ayon kay Carlos, mahigpit nilang minomonitor ang mga isdang ibinabagsak sa mga palengke sa Metro Manila.

Sa Metro Manila, ang mga nagtitinda sa Navotas Fish Complex, ang pinakamalaking fish port sa bansa ay una ng nagsabing walang isda mula sa Batangas ang kanilang itini­tinda dahilan ang hango nila ay mula sa Mindanao at Palawan.

Nabatid na , lubhang naka-apekto sa benta ng mga fish vendor ang nangyayaring massive fish kill. 

vuukle comment

AYON

BATANGAS

DIONARDO CARLOS

FISH

METRO MANILA

NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE

NAVOTAS FISH COMPLEX

SA METRO MANILA

SPOKESMAN SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with