^

Metro

Driver binoga ng pasahero

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Dahil hindi kaagad inihinto ang bus na minamaneho, isang tsuper ang binaril ng hindi kilalang pasahero kahapon ng umaga sa Malabon City.

Nasa kritikal na kondisyon at ginagamot sa Fatima Medical Center ang biktimang si Renato Quejano Jr., 47, ng ABC Town Homes, Holiday Villa, San Pedro, Laguna sanhi ng tinamong tama ng bala sa ulo buhat sa isang kalibre .45 baril.

Nagsasagawa pa ng follow-up operation ang mga pulis laban sa hindi pa nakilalang suspek, na nasa edad na 40 hanggang 45-anyos at may taas na 5’4 talampakan.

Ayon sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-6:00 ng umaga sa kahabaan ng Governor, Araneta Avenue, Brgy. Potrero, ng nabanggit na siyudad.

Nabatid na pumara ang suspek upang bumaba, subalit hindi ito kaagad narinig ng biktima kaya’t tuloy-tuloy ang pagmamaneho nito na ikinagalit ng suspek hanggang sa nagtalo sila ng biktima.

Dito kinuha ng suspek ang nakatago nitong baril at pinaputukan sa ulo ang driver hanggang sa duguan itong bumagsak.

Mabilis na tumakas ang suspect na pasahero habang isinugod naman sa pagamutan ang biktima.

vuukle comment

ARANETA AVENUE

AYON

BRGY

DAHIL

FATIMA MEDICAL CENTER

HOLIDAY VILLA

MALABON CITY

RENATO QUEJANO JR.

SAN PEDRO

TOWN HOMES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with