^

Metro

Bading pinagnakawan, kinatay ng dyowa

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Isang 31-anyos na bading ang pinagnakawan at saka pinatay ng hinihinalang nobyo nito, kamakalawa sa Tondo, Maynila.

Ayon kay Insp. Armand Macaraeg, hepe ng Manila Police District-Homicide Section, ang masangsang na amoy lamang ang naging daan para madiskubre ng mga kapitbahay ang pagpatay sa biktimang si Ferdi­nand Teodoro, ng #963-C New Antipolo St.,Tondo.

Hinahanting na ng mga awtoridad ang isang lalaking karelasyon umano ng biktima na inilarawan sa edad na 20 hangang 22; may tattoo sa kanang braso at may taas na 5’4’’ hanggang 5’6 talampakan.

Sa inisyal na ulat , dakong alas-5 ng hapon noong Miyerkules nang hindi na mapigilan ng mga kapitbahay ng biktima na usisain ang bahay nito dahil sa masangsang na amoy na nanggagaling doon. Sinira ang pintuan nang wala umanong sumasagot sa mga katok at tawag at doon tumambad ang nabubulok na bangkay ng biktima.

Nakuha sa loob ng bahay ng biktima ang isang kutsilyo na may habang 10½ pulgada, isang baton na nahati sa gitna na hinihinalang ipinanghambalos sa biktima.

Nagtamo ng mga saksak at galos ang biktima sa ulo at katawan.

Sa nakalap na impormas­yon sa mga residente, Mayo 30 dakong alas-4:30 ng uma­ga nang makita umano ang biktima na may tatlong la­laking kasama na dumating sakay ng isang tricycle.

Pumasok umano ang suspect at biktima ng ilang minuto sa bahay nito habang sa labas lamang ng gate nag­hihintay ang dalawa pang lalaki at hindi nagtagal ay umalis din lahat ang kasama ng nasawi.

Pasado alas-5 ng umaga nang bumalik ang biktima na kasama lamang ang suspect at halos 30 minuto pa lamang ang nakalipas ay nakita nang umalis ang huli na may bitbit na isang Lacoste bag.

Sinabi sa imbestigador ni Jasmin Teodor, kapatid ng bik­tima, na nawawala ang laptop (Hewlett Packard), digicam (Sony), cellphone (Nokia), bag (Lacoste) at cash na P20,000 ng biktima.

vuukle comment

ARMAND MACARAEG

AYON

BIKTIMA

C NEW ANTIPOLO ST.

FERDI

HEWLETT PACKARD

HINAHANTING

JASMIN TEODOR

LACOSTE

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with