Kelot nakuryente patay
MANILA, Philippines - Patay ang isang lalaki matapos na makuryente habang nagkakabit umano ng iligal na koneksyon nito sa lungsod Quezon kahapon ng madaling-araw. Ayon sa ulat ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District, nakilala ang biktima na si Resty Cruz, alyas “Toto”, 25 ng Purok 1, Baranggay Culiat sa lungsod. Bandang alas-2 ng madaling-araw ng mangyari ang insidente sa kahabaan ng Commonwealth Avenue ng lungsod na ito. Nagkakabit umano ng kuryente ang biktima sa itaas ng poste ng Meralco ng aksidenteng dumaloy sa katawan nito ang malakas na boltahe mula sa live wire. Nagawa pang maisugod ang biktima sa East Avenue Medical Center pero idineklara na itong dead on arrival.
- Latest
- Trending