^

Metro

8 sugatan sa vehicular accident

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Walo katao ang nasuga­tan kung saan kritikal ang isang 31-anyos na ginang matapos na magbanggaan ang tatlong sasakyan sa kahabaan ng Costal road, Para­ñaque City kahapon ng ma­daling-araw.

Halos madurog ang ibabang bahagi ng katawan ng biktimang si Princess Magdasal, ng Block 17 Lot 30 Barcelona St., Town and Country Subdivision, Molino 3 Bacoor, makaraang maipit sa pagitan ng isang delivery truck at isang mini bus.

Bukod kay Magdasal, sugatan din ang mga pasahero ng mini bus (NWY-253) na sina Jinky Segunto, 21, ang kanyang anak na si Jerome, 11, Alexis Ranquino, 23, Raymond Sistar, 28, Mario Tidalgo, 46, Rachel Millanes, 22 at Joselito Santos, 39 na pawang isinugod sa Parañaque Community Hospital.

Nabatid sa ulat ng Pa­rañaque Police-Traffic Ma­nagement Section, dakong alas-5:30 ng madaling-araw nang maganap ang aksidente sa nasabing lugar malapit sa kanto ng NAIA Road. Tinatahak ng delivery truck (XLK-973) na minamaneho ni Joseph Calman ang Roxas­ Blvd. patungong Pasay City nang mawalan umano ng preno kaya binangga ang sinusundan na mini bus na may rutang Cavite-Lawton at minamaneho naman ni Joselito Santos.

Sa lakas ng pagkakasalpok, bumangga naman ang mini bus sa nasa unahan nitong Fuzo bus (DXV-792) na minamaneho naman ni Leonicito Sarvida, 36-anyos.

Nabatid na tumatawid naman sa naturang highway si Magdasal ng naturang oras sanhi upang maipit ito sa dalawang nagbanggaang behikulo.

vuukle comment

ALEXIS RANQUINO

BARCELONA ST.

COMMUNITY HOSPITAL

JINKY SEGUNTO

JOSELITO SANTOS

JOSEPH CALMAN

LEONICITO SARVIDA

MAGDASAL

MARIO TIDALGO

PASAY CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with