^

Metro

Walang VIP treatment samag-aamang Ampatuan - Puno

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Hindi nagbuhay-hari ang mag-aamang Ampatuan sa loob ng selda habang pa­­tuloy ang paglilitis ka­ugnay sa Maguindanao massacre na ikinasawi ng 57-katao kabilang ang 32-mediamen noong Nob­yembre 2009.

Sa ambush interview sa pagdiriwang ng Inter­na­tional Peacekeeping Month, sinabi ni Interior and Local Gover­nment Undersec­retary Rico Puno na walang ebidensya na magpapatunay na may VIP treatment sa mga Ampatuan.

“Walang  VIP treatment pero meron kaming mga nakitang rules na hindi na­susunod at hindi nai-enforce,” ani Puno na kabilang sa mga tinukoy ay ang oras ng pagbisita  ng kanilang mga kapamilya at kamag-anak.

Una rito, binatikos  ni Ma­guindanao Governor Esmael “Toto” Mangudadatu ang VIP treatment sa mag-aamang Ampatuan  sa Quezon City Jail Annex sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.

Ang mag-aamang sina dating Maguindanao Govern­ment Andal Ampatuan Sr., anak nitong si dating Datu Unsay Mayor Andal Ampatuan Jr. at da­ting ARMM Governor Zaldy Ampatuan  ay nakulong matapos na iturong mastermind sa Maguindanao massacre.

 Ang kaso ay nililitis ni Judge Jocelyn Solis-Reyes ng Quezon City Regional Trial Court Branch 221.

Sinabi ni Puno na wala siyang nakitang mali sa paggamit ng cell phone, pag­papahangin sa labas ng selda ng matandang Ampatuan at pagba-basketball ng batang Ampatuan sa loob ng naturang detention facility.

 “These are not convicted detainees ongoing pa yung trial,” paliwanag pa ni Puno.

Kaugnay nito, sinabi ni Puno na naisumite na nila kay Pangulong Benigno Aquino III ang rekomendasyon sa imbestigasyon sa sinasabing VIP treatment sa mga Ampatuan.

Pansamantala namang tumanggi si Puno na idetalye ang nilalaman ng re­komendasyon na naipadala na sa Palasyo para desisyunan ni PNOY.   

AMPATUAN

ANDAL AMPATUAN SR.

CAMP BAGONG DIWA

DATU UNSAY MAYOR ANDAL AMPATUAN JR.

GOVERNOR ESMAEL

GOVERNOR ZALDY AMPATUAN

PUNO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with