MANILA, Philippines - Ibinasura ng Office of the Ombudsman ang kasong iniharap ng DEALCO Farms laban kay Manila Mayor Alfredo Lim, mga city officials at pulis kaugnay sa ginawang pagtake over sa Vitas slaughterhouse noong 2008, sa Tondo, Maynila.
Bukod kay Lim, inabsuwelto din sina Chief of Staff Ricardo de Guzman; City Administrator Jesus Mari Marzan; City Legal Officer Renato dela Cruz; OIC Veterinary Inspection Board Francisco Co; Department of Public Services chief, Ret. Col. Carlos Baltazar at pulis na pinangungunahan nina District Special Project Unit chief, P/ Sr. Supt. Alejandro Gutierrez at noo’y MPD-Station 1 commander, Supt. Rolando Miranda.
Sa resolusyon ni Graft Investigator at Prosecution Officer I Michelle Villabesa umakto ng “good faith’ at ginamit lamang ni Lim ang karapatan at remedyo para mabawi ang Vitas slaughterhouse, mula sa pagkalugi ng DEALCO.
Ang DEALCO ay pag-aari ng pamilya ni Manila Councilor Dennis Alcoreza, na siyang nag-operate ng nabanggit na slaughter house mula 2001-2008 sa pamamagitan ng kontrata ipinasok ni dating Manila Mayor Lito Atienza noong 1999.
Lumilitaw na nawalan ng may bilyon piso ang lungsod sa panahon na nag-operate ang DEALCO.
Nabatid sa Ombudsman, walang matibay na ebidensiya na naiprisinta ang pamilya ni Alcoreza na sinamantala ni Lim ang kanyang kapangyarihan da hilan naman para madismis ang kaso.
Bukod pa dito, pumayag ang DEALCO na boluntaryong isuko ang pa ngangasiwa ng slaughterhouse sa lungsod sa isang compromise agreement pero nilabag nila ito, kaya napilitan ang siyudad na gumawa ng hakbang.
Ito ang naging pananaw ng Ombudsman sa reklamo ni Jocelyn Alcoreza sa ginawang pagbitbit kay Dennis Alcoreza ng mga pulis palabas sa slaughterhouse.