^

Metro

Karnaper umariba sa Taguig City

- Angie dela Cruz, -

Manila, Philippines - Isa na namang negosyante ang natangayan ng sasak­yan matapos harangin ng mga armadong kalalakihan na sinasabing miyembro ng carjacking syndicate sa Taguig City kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Giovanni Tombado, hindi binanggit ang tirahan para sa seguridad nito.

Samantala, nagsasagawa na ng follow-up operation ang mga tauhan ng Anti-Carnapping Unit ng Taguig City PNP laban sa apat na armadong kalalakihan.

Naganap ang insidente dakong alas-4:30 ng madaling-araw sa kahabaan ng MRT Avenue, Barangay Central Signal Village ng nabanggit na lungsod.

Lumilitaw na binundol ang likurang bahagi ng Toyota Fortuner ng biktima kaya ito bumaba at suriin kung saan apat na armadong lalaki na ang bumaba sa kotseng sumalpok. Dito na tinutukan ng baril ang biktima kung saan natangay ang Toyota Fortuner.

Tinangka namang harangin ng ilang kalalakihang nakasaksi sa insidente subalit maging sila ay tinutukan ng baril.

vuukle comment

ANTI-CARNAPPING UNIT

BARANGAY CENTRAL SIGNAL VILLAGE

DITO

GIOVANNI TOMBADO

ISA

KINILALA

LUMILITAW

NAGANAP

TAGUIG CITY

TOYOTA FORTUNER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with