^

Metro

Seguridad sa Camp Bagong Diwa hinigpitan

- Angie dela Cruz, -

Manila, Philippines - Hihigpitan ang seguridad sa bisinidad ng Camp Bagong Diwa Bicutan, Taguig City para sa arraignment laban kay dating Maguindanao Governor Andal Ampatuan Sr. sa Miyerkules (Hunyo 1).

Inaasahang dadagsain ang sala ni Quezon City Regional Trial Court Judge Jocelyn Reyes sa pagdinig sa mga akusado sa Maguindanao Massacre.

Ayon kay P/Chief Supt. Jose Arne delos Santos, SPD director, ikakalat ang 1,000 pulis sa loob at labas ng Camp Bagong Diwa para ipatupad ang mahigpit na seguridad.

Magsasagawa ng ins­pection sa mga sasak­yan na lalabas o papasok sa loob ng kampo upang masigurong walang magaganap na anumang karahasan habang dinidinig ang kontrobersyal na kaso.

Matatandaan na no­ong  Mayo 25 ay naudlot ang arraignment  sa matandang Ampatuan matapos magsumite ng motion for reconsideration ang panig ng depensa kung saan ma­ging ang mga abo­gado ng mga  Ampatuan ay naghain na rin ng motion upang i-arraign na ito.

Sa ngayon may 23 ang akusado sa Maguin­danao massacre ang hindi pa nabasahan ng sakdal kabilang na sina  Andal Sr.;  ex-Go­vern­or ng Auto­nomous Region in Muslim Min­danao (ARMM) Rizaldy Ampa­tuan; Anwar at Akmed Ampatuan na pawang naka­kulong sa nabanggit na kampo.

AKMED AMPATUAN

AMPATUAN

ANDAL SR.

CAMP BAGONG DIWA

CAMP BAGONG DIWA BICUTAN

CHIEF SUPT

JOSE ARNE

MAGUINDANAO GOVERNOR ANDAL AMPATUAN SR.

MAGUINDANAO MASSACRE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with