Anak nasermunan ng ina, nag-suicide

Manila, Philippines - Maliban sa nakitang laslas ang pulso, nag­bigti pa ang isang 21-anyos na lalaki na sina­sabing lango sa alak dahil sa sama ng loob sa sermon ng ina sa Tondo, Maynila, kamaka­lawa ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Aaron Laxa­mana, walang trabaho, at residente ng #1717 Int. lI, Francisco Varona Street sa Tondo.

Sa ulat ni SPO1 Milbert Balinggan ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-3 ng hapon nang madiskubre na nakabitin ang biktima sa loob ng kanilang bahay.

Unang nadiskubre ng 10-anyos na babaeng pamangkin ang bangkay ng biktima at ipinabatid sa mga magulang nito.

Nadiskubreng nag­laslas sa kaliwang pulso ang biktima bago ang pagbibigti kung saan narekober ang suicide note sa tabi ng bangkay na ipinagbilin sa utol na babae sa kanyang anak at live-in partner na si Joy.

Posibleng isa sa dahilan ang natanggap na sermon ng biktima mula sa ina nito na ikinasama ng loob bago ang pagpapatiwakal.

Show comments