Manila, Philippines - Isang 28-anyos na empleyada ang nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbigti sa sarili sa loob ng kanyang tinutuluyan sa lungsod Quezon, iniulat kahapon. Kinilala ang nasawi na si Maria Eilene Metin, 28 at residente ng Maningning St. Sikatuna Village, sa lungsod. Ayon sa ulat, ang biktima ay nadiskubre na lamang ng kanyang tiyuhing si Roseo Dimayuga habang nakabitin sa kisame ng kanyang bahay gamit ang alambre ganap na alas-9:15 ng gabi. Dahil dito, agad ipinaabot ni Mang Roseo ang insidente sa magulang ng biktima at sa mga awtoridad para sa kaukulang disposisyon. Patuloy ang imbestigasyon ng CIDU, upang matukoy kung ano ang motibo sa pagpapakamatay at kung may naganap na foul play dito.