^

Metro

6 na LRT station sarado ngayon

- Ni Mer Layson -

Manila, Philippines - Aabot sa 300,000 pasahero ang sinasabing maaapektuhan sa tatlong araw na pagsasara ng anim na istasyon ng LRT Line 1 simula ngayong araw na ito ng Sabado hanggang sa Lunes.

Ayon kay Atty. Hernado Cabrera, tagapagsalita ng Light Rail Transit Authority (LRTA), humihingi sila ng paumanhin sa mga commuters na hindi nila maseserbisyuhan sa loob ng tatlong araw.

Tinukoy ni Cabrera ang anim na LRT Station na isasara sa publiko ay Roosevelt Station, Balintawak na pawang sa Quezon­ City; Monumento, 5th Avenue sa Caloocan City; R. Papa at Abad Santos sa Maynila.

Inamin ni Cabrera na aabot sa 4-milyung piso ang malu­lugi sa LRT sa loob ng tatlong araw na pansamantalang pagsasara bunsod ng isasagawang pagkonekta ng permanente sa sig­naling­ system ng North Extension Project.

Tiniyak naman ni Cabrera na magkakaroon ng episyente at mas ligtas na serbisyo sa sandaling matapos ng kanilang mga ‘maintenance crew’ ang isasagawang pagkukumpuni sa pagitan ng anim na istasyon.

Inihayag pa ni Cabrera, magpapadala sila ng shuttle bus kapag rush hours sa mga apektadong istasyon na siyang maghahatid sa mga pasahero mula sa Abad Santos Station hanggang sa Roosevelt Station sa Quezon City at pabalik.

AABOT

ABAD SANTOS

ABAD SANTOS STATION

AYON

CABRERA

CALOOCAN CITY

HERNADO CABRERA

LIGHT RAIL TRANSIT AUTHORITY

NORTH EXTENSION PROJECT

QUEZON CITY

ROOSEVELT STATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with