^

Metro

Welder nasabugan ng water tank, patay

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Patay ang isang 32-anyos na welder/fitter nang sumabog ang water tank na kanyang wine-welding, habang sugatan ang tatlo niyang kasamahan sa trabaho sa loob ng Pier 16, North Harbor, Tondo, Maynila, kahapon ng umaga.

Sa sketchy report, ang biktimang si Larry Morados ay hindi na umabot ng buhay sa Mary Johnston Hospital bunga ng matinding pagsabog ng tangke na tumama sa kanyang mukha at katawan.

Nilalapatan naman ng lunas sa nasabing ospital ang tatlo pang sugatan na kinilalang sina Edison Daan, Jonathan Montalbo at Daniel Flores na pawang empleyado ng G & L Hardcore Corporation, kung saan nagtatrabaho rin si Morados. Dakong alas-9 ng umaga nang ma­ganap ang nasabing insidente sa loob ng compound ng MMSI, sa Pier 16, North Harbor, Tondo.

Nasapul din ng mga bakal na sumabog ang tatlo bagamat hindi naman delikado umano ang kanilang buhay. Patuloy pa ang imbestigasyon sa kaso.

vuukle comment

DAKONG

DANIEL FLORES

EDISON DAAN

JONATHAN MONTALBO

L HARDCORE CORPORATION

LARRY MORADOS

MARY JOHNSTON

MAYNILA

MORADOS

NORTH HARBOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with