^

Metro

2 bebot nag-suicide

Nila - Ricky T. Tulipat at Lordeth Bonilla -

MANILA, Philippines - Isang nursing student at isa pang dalagita ang nagpakamatay sa magka­hiwalay na lugar sa Quezon City at sa Navotas City.

“I hate them Kissarne Louise Blanco, alone and done for mom and dad, sorry but I have to do this,” ito ang suicide note na iniwan ni Kissarne Louise Blanco, 18, 2nd year nursing­ student ng Kennedy View Subd., Brgy. Tandang Sora sa lung­sod na natagpuang na­kabigti gamit ang isang sinturon sa lungsod Quezon.

Ayon kay SPO2 Neil Garnace ng Criminal Investigation and Detection Unit ng QCPD, sa tabi ng biktima ay narekober din ang isang heringgilya na naglalaman ng hindi pa ma­determinang uri ng isang likido.

Sa pagsisiyasat, ang biktima ay natagpuan na lamang na nakabigti ng kanyang tiyuhing si Supt. Felipe Cason matapos na puwersahang pasukin ang kuwarto nito ganap na alas-3:30 ng hapon.

Bago ito, dumating si Cason at asawa nitong si Dolores sa lugar pero sarado ang tinutuluyan ng nasawi kaya nagpasyang tawagan na lamang ang biktima sa kanyang cellphone pero hindi ito sumasagot.

Maging ang pagkatok nila sa pintuan ay hindi tumutugon ang biktima, dahilan para magpasya si Supt. Cason na puwersahing buksan na ito kung saan bumulaga sa kanila ang nakabiting katawan ng una sa upper double deck habang nasa paupong po­sisyon gamit ang belt na ipinalupot sa kanyang leeg.

Sa kasalukuyan, hindi pa mabatid ng pulisya ang motibo ng nasabing pagpapakamatay habang patuloy ang pagsisiyasat kaugnay dito.

Samantala sa Navotas City naman, nagpakamatay sa pamamagitan nang paglagok ng lason ang isang 16-anyos na dalagita matapos umano itong hiwalayan ng nobyo kamakalawa ng gabi.

Patay na nang idating sa ospital si Jhicnes dela Cruz, ng Brgy. Tanza ng nasabing lungsod ma­tapos itong uminom ng silver cleaning solution.

Dakong alas-6:30 ng gabi, narinig ni Victoria dela Cruz, 39, ina ng biktima ang kanyang anak na umuungol sa 2nd floor ng kanilang bahay sa nabanggit na lugar.

Mabilis na inalam ni Victoria ang pinagmulan ng mga ungol at bumulaga sa kanya ang kanyang anak na namimilipit sa sakit habang bumubula ang bibig nito, kung saan nasa tabi nito ang isang bote ng silver cleaning solution.

Bago naganap ang in­sidente ay ilang araw na umanong napapansin na malungkot ang dalagita matapos silang maghiwalay ng kanyang boyfriend.

Kaugnay nito, patuloy ang masusing imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy kung may naganap na foul play sa pagkamatay ng dalagita.

vuukle comment

BRGY

CASON

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

CRUZ

FELIPE CASON

KENNEDY VIEW SUBD

KISSARNE LOUISE BLANCO

NAVOTAS CITY

NEIL GARNACE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with