^

Metro

Mag-lover utas sa riding-in-tandem

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Kapwa nasawi ang isang traffic enforcer at ang sinasabing lover nito ma­tapos pagbabarilin ng riding-in-tandem kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Dead-on-the-spot sanhi ng mga tinamong tama ng bala ng baril sa ulo at katawan ang biktimang si Merelyn Boleche, 27, dalaga, ng Paulino Compound, Ba­rangay 174, Camarin ng nasabing lungsod, habang hindi na umabot pang buhay sa pagamutan si Robert Sadang, 53, may- asawa, traffic enforcer ng Special Traffic Assistance Group (STAG) ng RDPSTM ng North Caloocan City Hall sanhi rin ng tinamong mga tama sa katawan.

Agad namang inatasan ni Sr. Supt. Jude Wilson Santos, hepe ng Caloocan City Police ang kanyang mga tauhan para sa agarang pagkadakip sa mga suspek na mabilis na tumakas matapos ang isina­gawang krimen.

Base sa report, dakong alas-9 ng gabi nang maganap ang insidente sa loob ng Baby’s Eatery na matatagpuan sa Zapote Road, Brgy. 177 ng nabanggit na lungsod.

Nabatid na masayang nag-iinuman ang mga biktima kasama ng iba pang mga kaibigan nang biglang sumulpot buhat sa madilim na bahagi ang mga suspek lulan ng motorsiklo at walang sabi-sabing pinagbabaril ang mga biktima.

Blangko pa ang pulisya sa motibo sa krimen, gayunman tinututukan ang anggulong love triangle sa insidente.

vuukle comment

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

JUDE WILSON SANTOS

MERELYN BOLECHE

NORTH CALOOCAN CITY HALL

PAULINO COMPOUND

ROBERT SADANG

SPECIAL TRAFFIC ASSISTANCE GROUP

SR. SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with