^

Metro

Fire Bureau inalerto na rin kay 'Chedeng'

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Naka-hightened alert na rin ang buong kagawaran ng Bureau of Fire Protection (BFP) bunga ng patuloy na paglakas ng bagyong Chedeng nang pumasok ito sa bansa.

Ito ang sinabi kahapon ni BFP Officer-in-Charge C/Supt. Samuel R. Perez kasabay ng direktiba sa lahat ng opisyales ng buong kagawaran sa bansa na maging ‘on call’ anumang oras sa sandaling magkaroon ng emergencies na maaaring maganap.

Pinatutupad din ni Perez sa lahat ng operating units ng BFP ang contingency plans at gumawa ng hakbang sa pamamagitan ng pakikipag-coordinate sa iba pang ahensya para sa fire safety rescue at emergency medical services at iba pang may kaugnayan sa pagliligtas sa kalamidad.

Gayundin, inatasan ni Perez ang lahat ng unit ng BFP na ipagbigay alam agad sa kanila ang anumang insidente na mangyayari na maapektuhan ng naturang bagyo. Maaari anyang tumawag sa Director for Operations sa pamamagitan ng telefax no. 911-9056.

vuukle comment

BUREAU OF FIRE PROTECTION

CHEDENG

GAYUNDIN

MAAARI

NAKA

OFFICER-IN-CHARGE C

PEREZ

PINATUTUPAD

SAMUEL R

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with