^

Metro

2 miyembro ng 'Donut gang' arestado

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Timbog ang dalawang miyembro ng kilabot na “Donut Gang” matapos na maispatan habang itinatakas ang kinalas nilang apat na gulong ng isang delivery truck sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.

Kinilala ang mga suspect na sina Joseph Icban, 30, at Wilfredo Prieto, 35.

Ang dalawa ay naaresto ng mga awtoridad matapos ang maikling habulan sa may San Joaquin at Tolentino Sts., San Francisco Del Monte, ganap na ala-1:10 ng madaling-araw.

Nauna rito, gamit ang isang pampasaherong jeepney (NVG-132) ay pumarada ang mga suspect sa tabi ng isang Isuzu delivery truck saka bumaba ang mga ito at sinimulang baklasin ang apat na gulong nito.

Matapos mabaklas ang gulong ay mabilis itong iki­narga ng mga suspect sa ser­vice nilang PUJ saka umalis.

Nang dumating ang driver ng truck na si Gourge Fuentes ay nagulat ito nang makitang wala na ang mga gulong ng kanyang truck sanhi upang agad siyang dumulog sa himpilan ng barangay at hu­mingi ng ayuda.

Agad namang rumes­ponde ang mga BPSO ng Brgy. Masambong hanggang sa mamataan nila ang pampasaherong jeepney sa Quezon Avenue.

Dito na nagkaroon ng habulan hanggang sa pagsapit sa Araneta Avenue ay nakorner ang mga suspect at inaresto, kasabay sa pagkabawi sa mga ninakaw nilang gulong ng naturang truck.

vuukle comment

ARANETA AVENUE

DONUT GANG

GOURGE FUENTES

JOSEPH ICBAN

QUEZON AVENUE

SAN FRANCISCO DEL MONTE

SAN JOAQUIN

TOLENTINO STS

WILFREDO PRIETO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with