^

Metro

85-anyos na lolo, nagbigti

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Isang 85-anyos na lolo ang nagpatiwakal dahil hindi na niya makayanan ang madalas na pagsakit ng kanyang tiyan kahapon ng umaga sa Caloocan City. Patay na nang matagpuan si Restituto Banigoos, nakatira sa Ilang-Ilang St., Camarin ng nabanggit na siyudad. Ayon sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya, dakong alas-5 ng umaga, kinakatok ang biktima sa loob ng kuwarto nito ng kanyang kaanak subalit walang sumasagot. Sapilitang binuksan ang pinto ng kuwarto at laking gulat ng mga ito nang makitang nakabigti ng nylon cord at patay na ang naturang lolo. Nabatid na bago ang insidente ay pina-check-up sa doktor ang biktima dahil sa palaging pagsakit ng tiyan na sinasabing hindi na nakayanan ng lolo.

vuukle comment

AYON

BIKTIMA

CALOOCAN CITY

ILANG-ILANG ST.

ISANG

LOLO

NABATID

PATAY

RESTITUTO BANIGOOS

SAPILITANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with