^

Metro

Holdaper bulagta sa shootout

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Patay ang isang hinihinalang holdaper matapos na makipagpalitan ng  putok sa mga tauhan ng Manila Police District (MPD)  matapos itong mangholdap ng isang vendor kahapon ng madaling-araw sa Ermita, Maynila. Dead-on-the-spot  sanhi ng  tatlong tama ng bala ng baril sa katawan ang suspect na inilarawang nasa gulang na 35-40, nakasuot ng kulay puting polo shirt, brown slacks, puting rubber shoes, naka-bull cap at may tattoo ng “Pogi, Baroga, Jovit, Nato, Rhain at Shan” sa katawan. Nakatakas naman ang kasamahan nito.  Ayon sa ulat, dakong ala-1:30 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa tabi ng Metropolitan Theater sa kanto ng Arroceros St.  at P. Burgos Drive, Ermita, Maynila. Naglalakad ang biktimang si  Grace Perez, 24, vendor ng Dasmariñas City, Cavite patungo sa direksiyon ng Park and Ride nang dikitan siya ng isa sa suspect at  naglabas ng baril at saka nagdeklara ng holdap. Matapos makuha ng suspect ang kagamitan ni Perez ay  naglakad ito papalayo sa direksiyon ng Quezon bridge  kaya sinamantala naman ng biktima na humingi ng tulong sa mga pulis na kasalukuyang nagpapatrulya  sa lugar. Agad namang hinanap ng mga pulis ang  mga suspect base sa diskripsyon ng biktima kung saan namataan ang mga ito sa nasabing lugar. Tinangkang lapitan ng mga pulis ang mga suspect subalit  agad na nagpaputok ang mga ito dahilan upang gumanti ang mga ito na nagresulta sa agarang kamatayan ng isa habang ang kasama nito ay nakatakas.

ARROCEROS ST.

AYON

ERMITA

GRACE PEREZ

MANILA POLICE DISTRICT

MAYNILA

METROPOLITAN THEATER

PARK AND RIDE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with