^

Metro

Lalaki sumaklolo sa away ni kuya, patay

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Dahil sa pagsaklolo sa away ng kanyang kuya isang 35-anyos na lalaki ang nasawi nang siya ang pagsasak­sakin ng kaaway ng una, kamaka­lawa ng gabi sa Las Piñas City.

Hindi na umabot ng buhay dahil sa tindi ng mga tama ng saksak na tinamo ng bik­timang si Marlon Bulan, ng Soldiers II Alvarez, Brgy. Talon, habang nakaligtas naman sa kamatayan ang kuya nitong si Jonemar, 37.

Pinaghahanap naman ngayon ng pulisya ang nakatakas na suspek na nakilala lamang sa pangalang James Amen.Nabatid sa report na pa­uwi na ng kanilang bahay si Jonemar nang alukin ng tagay ng kanyang nag-iinumang mga kabarkada dakong alas-5 ng hapon sa may Jade Compound, Golden Acres Sub­d., sa naturang ba­rangay. Tatanggi sana si Jonemar nang makita na ka­sama sa umpukan ang ma­tagal na niyang kaaway na si Amen ngunit naging mapilit ang mga kasamahan.

Bigla umanong may si­na­bing masama si Amen ukol kay Jonemar na naging mitsa ng kanilang mainitang pagtatalo.

Nakita naman ito ni Marlon na agad na sumugod sa umpukan upang tulungan ang kanyang kuya.

Sa pag-aakala naman na pagtutulungan siya ng mag­kapatid, agad na nagbunot ng patalim si Amen at magka­sunod na inundayan ng saksak ang magkapatid bago mabilis na tumakas. 

Hindi na umabot ng buhay sa Las Piñas City Medical Center si Marlon habang na­­ging mas masuwerte ang kuya nito na nagtamo lamang ng mababaw na saksak.

vuukle comment

ALVAREZ

CITY MEDICAL CENTER

GOLDEN ACRES SUB

JADE COMPOUND

JAMES AMEN

JONEMAR

LAS PI

MARLON

MARLON BULAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with