^

Metro

QC police utas sa ambush

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Isang kagawad ng Quezon City Police District ang nasawi makaraang pagbabarilin ng apat na armadong kalalakihan habang nagpapagawa ng kanyang sa­sakyan dito kahapon ng hapon.

Ayon kay Police Supt. Odie Madredeo, hepe ng Police Station 2 ng QCPD, ang biktima ay kinilalang si SPO3 Arnold Yu na dating nakatalaga sa District Anti-Illegal Drugs ng nasabing kagawaran.

Apat na kalalakihang sakay ng dalawang motorsiklo ang mga suspect na mabilis na tumakas matapos ang insidente.

Sa inisyal na ulat ng pu­lisya, nangyari ang insidente sa may Road 8, corner Vi­sayas Avenue, Brgy. Vasra sa lungsod ganap na alas- 4:30 ng hapon.

Sinabi ni Madredeo, nakasibilyan umano ang pulis at nagpapa-ayos ng kanyang personal na sasakyan nang lapitan ng dalawang armadong kalalakihan sakay ng isang motorsiklo.

Mula dito ay nakipag-palitan na umano ng putok si Yu sa dalawang suspect, pero dahil may back-up pang dalawa ang mga huli ay ito naman umano ang rumatrat sa una na naging dahilan ng kanyang kamatayan.

Sa kasalukuyan, hindi pa batid ng pulisya ang motibo ng pamamaril pero hinihinalang may kinalaman ito sa kanyang trabaho.

Patuloy ang pagsisiyasat ng pulisya sa nasabing insidente.

vuukle comment

APAT

ARNOLD YU

AYON

BRGY

ISANG

MADREDEO

ODIE MADREDEO

POLICE STATION

POLICE SUPT

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with