^

Metro

Pedopilyang Kano timbog ng BI

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Sa bisa ng mission order na inisyu ni Immigration Commissioner Ricardo David Jr. naaresto ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) ang isang American pedophile na wanted sa Estados Unidos.

Kinilala ang puganteng Kano na si Kenneth Ramon Price, 44, tubong Arizona, USA, na nagtago umano sa Pilipinas matapos takasan ang kasong pangmomolestiya sa menor-de-edad sa US court.

Dinakip si Price sa inuupahang bahay nito sa Antipolo Rizal.

Ayon kay BI Intelligence Chief Ma. Antonette Bucasas-Mangrobang, hiniling ng US embassy na madakip si Price dahil sa nilabag nito ang mga kondisyon na nasasaad sa kanilang parole, nang umalis ito ng teritoryo ng US. Natukoy nila na sa Pilipinas nagtago si Price simula noong Hulyo 2004.

Nabatid na may kasong nakasampa kay Price sa superior court ng Maricopa County, Arizona kaugnay sa mga kasong sexual conduct with a minor, molestation of a child at sexual abuse.   

ANTIPOLO RIZAL

ANTONETTE BUCASAS-MANGROBANG

AYON

BUREAU OF IMMIGRATION

DINAKIP

ESTADOS UNIDOS

IMMIGRATION COMMISSIONER RICARDO DAVID JR.

INTELLIGENCE CHIEF MA

KENNETH RAMON PRICE

MARICOPA COUNTY

PILIPINAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with