^

Metro

P2 rollback sa gasolina

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Muling nakatikim ng rollback sa presyo ng mga pro­duktong petrolyo ang mga motorista partikular na sa halaga ng premium at unleaded na gasolina, umpisa kahapon ng madaling-araw.

Dakong alas-12:01 ng hatinggabi nang pangunahan ng Chevron Philippines at Pilipinas Shell ang pagbaba sa presyo ng kanilang mga produkto. Nasa P2 kada litro­ ng premium at unleaded na gasoline ang kanilang tinapyas at  P1.75 kada litro ng regular na gasoline.

Mas maliit naman na P.50 sentimos kada litro ng diesel­ na ginagamit ng mga pampublikong behikulo ang ibinawas ng mga kumpanya ng langis at P.30 sentimos kada litro ng kerosene.

Sabay-sabay naman dakong alas-6 ng umaga nang magbaba rin ng kahalintulad na presyo sa parehong mga produkto ang Petron Corporation, Total Philippines, Flying V Corporation, Unioil Petroleum at Phoenix Petroleum.

 Ang naturang rollback ay bunsod umano ng pababang trend ng presyo ng petrolyo sa internasyunal na mer­kado na sinusundan lamang umano ng mga kumpanya ng langis sa bansa.

 Sa kabila ng rollback na ito, nananatili pa ring lagpas sa P50 kada litro ang halaga ng premium at unleaded na gasoline habang lagpas pa rin sa P40 ang presyo ng diesel sa Metro Manila.  

CHEVRON PHILIPPINES

DAKONG

FLYING V CORPORATION

METRO MANILA

PETRON CORPORATION

PHOENIX PETROLEUM

PILIPINAS SHELL

TOTAL PHILIPPINES

UNIOIL PETROLEUM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with