^

Metro

Holdaper todas sa pulis

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Dead-on-the-spot ang isang hindi pa kilalang lalaki nang paputukan ng mga pulis na nag-akalang manlalaban nang sitahin ang nakabukol na baril sa kanyang beywang, sa Binondo, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Inilarawan ni SPO2 Virgo Villareal, ng Manila Police District-Homicide Section ang nasawi na nasa edad 30- 35, may taas na 5’, nakasuot ng itim na t-shirt, short pants, tsinelas at may tattoo sa kanang braso ng “Manny”.

Batay sa ulat, sakay ng MPD marked vehicle ang grupo nina PO3 Erwin Gaddi, PO2 Ruellester Santos­ at PO2 Joel Morales, pawang nakatalaga sa MPD-station­ 11, nang namataan ang lalaki na nakatayo sa tabi ng AIC building, sa panulakan ng Q. Paredes at Escolta­, Binondo dakong ala-1:48 ng madaling-araw.

Lalapitan at sisitahin ng mga pulis ang biktima su­balit agad itong bumunot ng baril at tangkang papuputukan ang mga pulis na nagbunsod naman upang agad na barilin ng mga awtoridad.

Nagtamo ng bala sa noo, dibdib at kaliwang braso ang biktima na kagyat nitong ikinamatay.

Narekober ang hawak nitong paltik na kalibre .38 habang nakalagak ang mga labi nito sa St. Harold Funeral­ Homes.

vuukle comment

BATAY

BINONDO

ERWIN GADDI

ESCOLTA

INILARAWAN

JOEL MORALES

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

RUELLESTER SANTOS

ST. HAROLD FUNERAL

VIRGO VILLAREAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with